Lumaktaw sa pangunahing content
HINDI MAKUNTENTO

Bakit nga ba may mga taong 'di makuntento?
Tipong kahit ibigay mo na lahat sa'yo, nagagawa pa rin nilang manloko
Tapos mapapatanong ka na lang ng "Bakit? Ano bang maling nagawa ko? Kulang pa ba ko?"

Pero bes, sasabihin ko sayo
Walang kulang sa'yo...
Kamahal mahal ka kahit saang anggulo
Sadyang duwag lang silang hindi marurunong makuntento
Duwag sa katotohanan na hindi lahat mananatili sa'yo

Kasi diba minsan nandyan ka na para sa kanila
Pero ayung si tanga, laging gusto ng reserba
Kasi alam mo natatakot sila na maiwan ng isa
Kaya nand'yan ka pa, may kapalit ka na

Ang unfair nila 'no?
Minahal naman sila ng totoo
Tutuparin mo naman yung mga pangako mo pero sya biglang isang araw
Ayaw na n'ya sa'yo
O minsan gusto ka pa n'ya
Pero gusto na rin n'ya ng iba
Nakakat@ngi#@ lang di'ba?
Tipong "kahapon lang ang saya pa natin diba?
Hindi mo naman ipinaramdam sakin na may problema pala
May problema ba sakin ha?
Ang alam ko hindi naman tayo nagkakalabuan di'ba?"
Ganito kasi 'yun bes
Yung iba hindi na nga marunong makuntento
Eksperto pa sa pagtatago ng totoo!
Ikaw lang daw ang mahal 'no?
Tapos malalaman mong sabi lang pala nya 'yun sa'yo

Yun yung mga taong sa una lang magaling
Hulog na hulog ka naman sa pagentleman nyang dating
Na sa una sapat ka na raw sa kanya
Na kahit hindi ka perpekto, hindi ka ipagpapalit sa iba

"Mahal you're perfectly imperfect para sa'kin
Hindi mo man maibigay lahat ikaw lang sapat na sa'kin"
Mga ganyang linyahan ang galing galing
Yun pala yung mga pagkukulang mo, sa iba, hinahanap nya rin.

Sabagay minsan hindi ka naman ipinagpapalit..
Kqya lang parang dinadagdagan n'ya yung paborito nyang damit
Minsan hindi ka naman nya basta basta itatapon e
Magigising ka na lang isang araw na 'may iba pa pala bukod sakin..
Hindi lang pala ako sa buhay nya pero di yun ang ipinaparamdam nya sakin'

Kasi hindi nga sila marunong makuntento
Okay lang naman pumuso sa profile picture ng iba pero sabay chat ng hi ang cute mo pala habang ikaw seen lang.. ay iba na

Okay lang naman makipagkaibigan
Pero wag mo namang isampal sakin yung katotohanan na parang di ko alam yung nakikipagkaibigan sa nakikipaglandian
Pero syempre, nandyan yung stupidong dahilan na "mahal ko e"
Kaya pag inaway ka ni gago, sasabihin nya sa'yo na "lahat na lang ginagawa mong issue!" At asan yung stupidong dahilan mo? Sasabihin mo na 'sorry na mahal, maay tiwala ako sayo di na mauulit to'
Tapos sa loob loob ng loko ngumingisi yan kasi 'yessss! Nakalusot ako'

Hay! Diba ang gagaling?
Ang talent pa nyan nakakapag isip agad ng palusot na sasabihin
Yung tipong malawriter sa wattpad na pagdating sa kwento ang galing pagtagnitagniin

Mga hayop na yan nagailoveyou naman sayo e
Na kahit magkalayo kayo panay ang text sayo
Nagsesend pa ng picture para updated ka kuno
Pero pagkasend sayo? Sabay akbay na sa iba ang loko

Tapos ano ka pag nalaman mo?
Sa sobrang pagmamahal mo sa kanya sasabihin mong 'parang gumuho yung mwaundo ko'
Nandyan na yung sunod sunod na pagkwestyon mo sa lahat ng nagawa mo o baka may hindi ka pa nagawa
Lahat ng nagawa mo parang irereview mo pa baka kasi hindi pala lahat tama
Pati nga yang halaga mnmo e, napapatanong ka kung may halaga ka nga ba talaga
Na bakit lahat na lang kung hindi ka iniiwan ipinagpapalit ka
Na kung kapalit palit ka ba?
Hindi ka si Liza, tanga
At walang kapalit palit na tao
Pero hindi mo yun naiisip sa sobrang pagmamahal mo sa maling tao.

At pa'no nga ba malalaman kung maling tao ba talaga sya?
Pero hndi mo nga ba talaga alam o ayaw mo lang tanggapin na 'di talaga kayo para sa isa't isa?
Kasi minsan alam mo na na niloloko ka.
Alam mo na na unti unti, nagbabago na sya
Pero nagbubulag bulagan ka
Kumakapit sa salitang baka magbabago pa sya, o baka mali lang ako ng nakita
Baka kaibigan nya lang yung kayakap nya.
Baka pinsan nya yung lagi nyang kasama
Baka tamang hinala lang ako sa kanya..

Bes, tama na.
Kung ipinaparamdam nya sa'yo na hindi ka sapat,
Na kulang na kulang pa rin kahit ibinigay mo na lahat,
Bitawan mo na.
Hindi na nga nila alam yung salitang kuntento, iniispoiled mo pa.
Wag mong hayaang isipin nya na okay lang sayo kahit dalawa kayo sa buhay nya.
Wag mong hayaang maramdaman mo na di ka kamahal mahal dahil lang sa kanya.
Wag kang papayag ng may kahati.
Wag kang papayag sa pagmamahal na konti.

Yung mga hindi marunong makuntento na yan, hindi naman magtatagal kasiyahan ng mga yan.
Sino nga bang nawalan?
Ikaw in no time makakamove on ka
Sila pag naisip nila kung anong klaseng pagmamahal mo ang nasayang nila,
Matagal tagal yun na pagsisisihan nila

Kaya bes, 'wag ka nang umiyak.
Hindi nabawasan halaga mo dahil lang sa kanya ikaw pumalpak.
Oo sa pagmamahal hindi laging masaya
Pero timbangin mo rin kasi baka sumosobra na sya
Na pati pala sarili mo nakakalimutan mo na
Hindi maling minahal mo sya oo
Kaya isipin mo, sya ang nagkamali sa'yo
Pagmamahal mo yung nasayang nya
Pagmamahal na naibigay mo na darating ang isang araw, ibabalik din sa'yo pero ng tamang tao na.

At sa mga hindi d'yan marunong makuntento
Galing galingan nyo pa yung panloloko.
Galing galingan nyo pa yung pagpapaasa sa ibang tao
Dagdagan nyo pa yung pekeng effort at matatamis na salita.
Magsaya ka na kasi isang araw baka magulat ka na lang bigla

Baka kasi okay lang sa una para sa'yo na nasaktan mo sya
Baka ngayon hindi mo pa naisip yung sakit na naidulot mo sa kanya
Baka sa una lang pala 'tama yung desisyon mo'
Baka sa una lang tama na nagkahiwalay kayo
Baka sa una ka lang hindi manghinayang
Baka sa una ka lang masaya d'yan sa bago mong kasintahan
Baka ngayon di ka pa gaanong masaktan

Kasi darating at darating na maiisip mo rin
Yung totoong pagmamahal nya, hahanap hanapin mo rin
Kasi hindi lahat ng darating sa'yo katulad n'ya
Na kahit minsan binabalewala mo nand'yan pa rin s'ya
Hindi ka na nga iniiwan, handa pang magpakatanga.

Pero minsan masaya naman 'no?
Dalawa dalawa nagmamahal sa'yo
Hindi lang isa nilalambing mo
Tapos sila dalang dala sa'yo
Okay na sana kaso duwag ka
Naghahanap ng marami para mas masaya

Pero diba nand'yan lang ang karma
Baka pag dumating yung araw na saka mo makita yung halaga n'ya, masaya na s'ya sa iba.
O kaya baka pag handa ka ng magseryoso, s'ya naman ang nanloloko sa'yo.
Katulad lang ng ginawa mo
Kasi hindi lahat ng panahon at pagkakataon, aayon sa'yo.

Words by: BBJOSANA

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGLISAN Mahal parang kahapon lang magkasama pa tayong dalawa Magkahawak kamay na gumagawa ng mga bagong alaala 'Pag ikaw ang kasama wala nang sasaya pa Kasabay ng walang sawang pagbanggit ng 'mahal na mahal kita' Mahal parang kanina lang nandito ka pa Magkahawak pa 'yung kamay nating dalawa Hindi ba sabi mo pa nga walang bibitaw? Na kahit anong mangyari, sa'tin walang aayaw. Pero isang araw nandito na lang ako Natutulala habang nakatitig sa larawan mo Ang hirap isipin na ito na lang yung makakasama ko Ang hirap tanggapin na iniwan mo na pala ako Mahal hindi ko lubos akalain Na darating 'tong araw na 'di na kita kayang abutin Wala akong magawa kundi umiyak at humiling Na sana bumalik ka na lang sa'kin frown emoticon Disoras ng gabi mahal alam mo magigising ako Kasi nandun ka pa rin kahit sa panaginip ko Alam kong wala ka na pero hahanapin pa rin kita sa tabi ko Alam kong imposible na pero hihiling pa rin ...