Lumaktaw sa pangunahing content
PAGLISAN

Mahal parang kahapon lang magkasama pa tayong dalawa
Magkahawak kamay na gumagawa ng mga bagong alaala
'Pag ikaw ang kasama wala nang sasaya pa
Kasabay ng walang sawang pagbanggit ng 'mahal na mahal kita'

Mahal parang kanina lang nandito ka pa
Magkahawak pa 'yung kamay nating dalawa
Hindi ba sabi mo pa nga walang bibitaw?
Na kahit anong mangyari, sa'tin walang aayaw.

Pero isang araw nandito na lang ako
Natutulala habang nakatitig sa larawan mo
Ang hirap isipin na ito na lang yung makakasama ko
Ang hirap tanggapin na iniwan mo na pala ako

Mahal hindi ko lubos akalain
Na darating 'tong araw na 'di na kita kayang abutin
Wala akong magawa kundi umiyak at humiling
Na sana bumalik ka na lang sa'kin frown emoticon

Disoras ng gabi mahal alam mo magigising ako
Kasi nandun ka pa rin kahit sa panaginip ko
Alam kong wala ka na pero hahanapin pa rin kita sa tabi ko
Alam kong imposible na pero hihiling pa rin ako para sa isang yakap mo

Kasi alam mo mahal ang sakit sakit
'Di ko na alam kung paano ba hahatakin yung oras pabalik
Sabihin mo naman sa'kin ano pa bang gagawin
Lahat lahat ibibigay ko manatili ka lang sa'kin

'Di ko na kasi alam pa'no pa kakayaning mag isa
Alam mo namang ikaw lang ang kailangan ko wala ng iba
Ngayon pa'no pa ako sasaya?
Kung kalahati ng buhay ko nawala na..

Mahal, mahal na mahal kita
Ngayon mabubuhay na lang ako sa alaala nating dalawa
Nakakadurog ng puso sa tuwing mamimiss ka
Ngayon ano? Pa'no na nga ba ako nang wala ka?

Ikaw ang kasiyahan at kalungkutan ko
Ikaw ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko
Ikaw ang nagbibigay saya araw araw
Yung malungkot na mundo binibigyan mong kulay

Ngayon manghinayang man sa pagkakataon na nawala
O sa mga bagay na di pa natin nagagawa
Alam kong wala na pero di ko matiis
Na kwestyuhin lahat kung bakit iniwan mo ko ng ganun kabilis.

Wala ka na pero alam kong di ako mapapagod humiling
Kahit oras oras para sa muli mong pagdating
Mangungulila ako araw araw
Magisang maglalakbay sa pangako nating magsasama habambuhay

Umiiyak akong nakatulog pero ganoon pa rin sa aking paggising
Nagulat ako nang mapagtantong may yumuyugyog sa akin
Naririnig kita na nagsasabing 'Gising, gising'
Napapikit ako at isang malamig na hangin ang yumakap sa'kin..

Sana nga panaginip na lang lahat
Na nandito ka lang pala sa aking pagmulat
Pero isa na naman pala iyon sa mga araw pang dadating
Paalala na kahit masakit dapat magpatuloy at kayanin dahil alam kong iyon rin ang gusto mo para sa akin.

Itong tula ang saksi mahal ko
Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko
Wala ka man dito ang sakit ay kakayanin ko
Kung ito man ang tanda ng pagmamahal ko sa'yo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

HINDI MAKUNTENTO Bakit nga ba may mga taong 'di makuntento? Tipong kahit ibigay mo na lahat sa'yo, nagagawa pa rin nilang manloko Tapos mapapatanong ka na lang ng "Bakit? Ano bang maling nagawa ko? Kulang pa ba ko?" Pero bes, sasabihin ko sayo Walang kulang sa'yo... Kamahal mahal ka kahit saang anggulo Sadyang duwag lang silang hindi marurunong makuntento Duwag sa katotohanan na hindi lahat mananatili sa'yo Kasi diba minsan nandyan ka na para sa kanila Pero ayung si tanga, laging gusto ng reserba Kasi alam mo natatakot sila na maiwan ng isa Kaya nand'yan ka pa, may kapalit ka na Ang unfair nila 'no? Minahal naman sila ng totoo Tutuparin mo naman yung mga pangako mo pero sya biglang isang araw Ayaw na n'ya sa'yo O minsan gusto ka pa n'ya Pero gusto na rin n'ya ng iba Nakakat@ngi#@ lang di'ba? Tipong "kahapon lang ang saya pa natin diba? Hindi mo naman ipinaramdam sakin na may problema pala May problema ...